Bakit aluminum na cabinet
Mainit at mahalumigmig ang kusina sa ating klima. Hindi sumisipsip ng moisture ang aluminum frame, hindi namamaga at hindi inaanay, di tulad ng plywood at particle board, at madali itong punasan.
Mga ginagawa namin
- Buong modular kitchen system, kasama ang ginawang center island.
- Upper at lower cabinet na may drawers at stainless pullout.
- Wardrobe at built-in na lalagyan.
- Cabinet bilang bahagi ng renovation ng kusina o kwarto.
Panimulang presyo
Mula sa aming price guide, bago ang sukat:
| Item | Panimulang presyo |
|---|---|
| Aluminum modular kitchen system | ₱850–1,200 bawat sq ft |
| Wardrobe cabinet | ₱1,000–1,500 bawat sq ft |
| Drawers | ₱3,500 bawat panel |
| Stainless pullout | ₱5,000 bawat set |
| Stainless hinges | +₱250 bawat panel |
| Technical drawing | ₱1,000 |
Ang final na presyo ay depende sa layout, materyales, accessories at kondisyon ng installation, at kinukumpirma pagkatapos ng libreng sukat sa site.
May plano bago gawin
Bawat cabinet project ay nagsisimula sa technical drawing, para makita mo ang layout, sukat ng mga pinto at accessories bago pa putulin ang kahit isang profile. Dalhin ang litrato ng kusina mo, sukat o sketch, at doon kami magsisimulang magdisenyo.


