Hamba sa isang pangungusap
Ang hamba ay tubular na aluminum frame na ikinakabit sa bukasan ng pader bago ang main jamb ng bintana. Sa loob nito nakaupo ang sariling frame ng bintana.
Sa aming sliding, awning at casement window, 1¾ in na aluminum tube ang hamba sa paligid ng bintana; sa jalousie, 1 in na tube.
May hamba
Piliin ang may hamba kapag:
- Bago ang bukasan o tatanggalin nang buo ang lumang frame.
- Gusto mo ng malinis at tapos na aluminum frame sa buong paligid ng bintana.
- Malaki ang bintana o hinati sa ilang pane (laging may hamba ang aming split na fixed window, sliding na may fixed glass at sliding na may awning sa itaas).
Walang hamba
Piliin ang walang hamba kapag may maayos nang hamba o frame sa bukasan at doon ilalagay ang bagong bintana, halimbawa kapag bintana lang ang papalitan. Mas mura ito dahil mas kaunti ang aluminum at trabaho.
Hindi sigurado?
Padalhan kami ng litrato ng bukasan, o subukan ang dalawang option sa estimator: makikita sa option buttons ang diperensya sa presyo. Kukumpirmahin namin ang tamang pagpili sa libreng sukat sa site.

